Nagpasyang tumakbo si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Pangulo ngayong nalalapit na eleksyon dahil wala raw siyang narinig na “mahusay na plano” mula sa ibang kandidato para sa paglikha ng trabaho, muling pagpapasigla ng ekonomiya at iba pang mga suliranin na kinahaharap ng bansa.

Sa kanyang panayam sa “Upuan ng Katotohanan” ni Korina Sanchez, ibinahagi ng Presidential aspirant ang pangarap nito sa Pilipinas.

“Unang-una malampasan na natin itong pandemya. Marami tayong kailangan gawin para maibalik ang mga Pilipino sa trabaho at yun talaga na dapat maging priority ng susunod na administrasyon—yung trabaho,” sabi ni Marcos.

“Masasabi ko kaya ako tumakbo dahil parang wala akong naririnig na mahusay na plano [mula sa ibang kandidato] kung papaano ibalik ang trabaho; kung paano palampasin ang pandemya; kung paano yung mga long-term na pangangailangan,” dagdag ni Marcos habang binanggit ang sektor ng imprastraktura, healthcare at digital industry.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Wala pa kong naririnig na magandang plano, magandang sagot para diyan sa mga problemang 'yan,” pagpapatuloy ni Marcos.

Aniya pa, “The immediate concern is [the] creation of jobs. To do that short term and long term.”

Naniniwala si Marcos na kailangan palakasin ng bansa ang suplay ng enerhiya kung nais mapasigla ang ekonomiya ng bansa.

 “Hindi lalaki yung ekonomiya kung hindi dumami ang suplay ng mga kuryente. Ganun lang kasimple,” paglalahad ng solusyon ni Marcos.

“Gagawa tayo ng mga planta. I-expand natin yung geothermal natin, i-expand nayin yung mga hydroelectric [na] mga dams natin. The government has to have a very rational policy sa tinatawag na renewables,” pagdedetalye ng dating senador.

Nabanggit din ni Marcos ang solar energy na “advantage” ng bansa bilang isang “tropical country.”

Samantala, hindi naniniwala ang aspiring President na matatapos sa isang termino ang mga hangarin o long-term plans ng isang Pangulo sa isang bansa.

Para naman sa problema sa internet, iminungkahi ni Marcos na magtayo ng data bank at pataasin pa ang bandwith at connectivity sa bansa.

Hindi naman natalakay sa panayam ang nais na mga programa ng aspiring President kaugnay ng mga nabanggit niyang sektor ng imprastraktura at healthcare.