Marami ang nagulat sa balitang pagpanaw ng tinaguriang "La Primera Contravida" na si Cherie Gil, na kinumpirma ng kaniyang pamangkin na si Sid Lucero nitong hapon ng Agosto 5.

Nagluksa ang buong showbiz industry dahil sa pagkamatay ng isa sa mga itinuturing na primera klaseng aktres, na tumatak sa kaniyang mga kontrabida role, lalo na sa pelikulang "Bituing Walang Ningning" bilang Lavinia Arguelles, ang hinangaang singer ni Dorina Pineda na ginampanan naman ni Megastar Sharon Cuneta.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/05/showbiz-veteran-cherie-gil-pumanaw-na/">https://balita.net.ph/2022/08/05/showbiz-veteran-cherie-gil-pumanaw-na/

Siya ang nagpasikat ng linyahang "You're nothing, but a second rate, trying hard, copycat!" na hanggang ngayon ay ginagaya pa rin at ginagawan ng memes.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Kaya naman, binalikan ng mga netizen ang huling balita sa aktres noong Pebrero 7, 2022, kung saan itinampok ito sa isang magazine.

Marami ang nagulat sa bagong look ng primera kontrabida at mahusay na aktres nang ibalandra niya ang pagiging kalbo, para sa anniversary cover sa naturang sikat na lifestyle magazine.

Ito umano ay simbolo ng 'rebirth' dahil isiniwalat ni Cherie na dumadaan siya ngayon sa bagong kabanata sa kaniyang buhay. Aniya, ibinenta umano niya ang kaniyang mga ari-arian, umalis ng Pilipinas, at tumuloy sa New York, USA upang makapiling ang kaniyang mga anak.

Gumawa rin si Cherie ng panibago niyang Instagram account, at dito niya ibinahagi ang kaniyang bald look.

"My very first post on my new IG PAGE because... mega magazine and me proud I didn’t think this would actually. happen!! Being in NYC at the moment when I was asked to grace yet another Mega magazine cover. This time for their 30th anniversary edition. They organized a team to shoot all the way here. Shucks ! They actually were serious! And serious WE were," ayon sa kaniyang caption.

"Mega Magazine has always been close to my heart. Always had fun working on our shoots. This one, I personally think , is truly special. More so that it’s a fundraiser too for a good cause."

"Thank you Mega Magazine and to the entire team!"

Ngunit ano nga ba ang kuwento sa likod nito?

Batay sa mga rebelasyon ng aktres, mukhang may pinagdaraanan ito. Aniya, sa mga babae, kapag pinutol na nito ang buhok, tiyak na nagnanais na nitong magsimula ulit ng panibagong kabanata sa buhay at kalimutan ang nakaraan.

“I just had to make sure that first and foremost, my mental, emotional, spiritual states were getting the priority. I was getting tired of myself. And I was just so angry and unhappy, so I sold everything and packed up,” pagbabahagi ni Cherie.

“I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life…I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over."

Sumailalim din pala siya sa therapy at counseling para sa kaniyang mental at emotional health.

“I won’t deny that I have gone to therapy and counseling. Years and years of doing that, I learned that it just boils down to doing the hard work on and with yourself by whatever means. What’s hair 'di ba? It grows back. It’s symbolic of my personal growth. When a woman is in distress, she cuts her hair."

Ang huling proyekto ni Cherie Gil ay ang "Legal Wives" ng GMA Network kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Ashley Ortega, Bianca Umali, at Andrea Torres.