Sa kauna-unahang pagkakataon sa Pilipinas, nagsanib-puwersa ang ABS-CBN at YouTube sa pagpo-produce ng isang original series, na may pamagat na ‘How to Move On in 30 Days’ na pagbibidahan nina Maris Racal, Carlo Aquino, Albie Casiño, Sachzna, at Kyo Quijano.

"For the first time in the Philippines, ABS-CBN, the country’s leading content provider, announced its partnership with YouTube to develop and produce a new original series that will stream exclusively on the video streaming platform. “How to Move On in 30 Days,” a romantic-comedy featuring the fresh team-up of Maris Racal and Carlo Aquino, will premiere on YouTube this 2022," saad ng ABS-CBN Entertainment.

Isa ito sa mga inisyatibo ng ABS-CBN bilang isang malaking content provider na mapalawak pa ang kanilang digital content offerings, salig sa kanilang tagline na 'In The Service of Filipino Worldwide'.

Dahil sa kawalan ng prangkisa para sa free TV, umeere ang ABS-CBN show sa 'Kapamilya Online Live' sa YouTube. May mga digital shows din sila sa ABS-CBN Entertainment, na kamakailan lamang ay tinaguriang 'most subscribed' (38 million subscribers) at 'most viewed' (45 billion views) YouTube channel sa buong Southeast Asia.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang naturang serye ay directed by Benedict Mique at Dick Lindayag. Kasama rin dito sina John Lapus, Jai Agpangan, Sachzna Laparan, Kyo Quijano, Sherry Lara, Poppert Bernadas, Hanie Harrar, Elyson De Dios, at James Bello. Ito naman ang unang tambalan nina Maris Racal at Carlo Aquino sa isang proyekto.