Kumakalat sa social media ang larawan ng seasoned TV host na si Willie Revillame kasama ang bilyonaryong businessman na si Manny Villar. Hudyat na nga ba ito ng paglipat ng network ng Wowowin host?

Matatandaang nakuha na ngAdvanced Media Broadcasting System Inc., media company na pagmamay-ari ni Villar, ang dalawang television broadcast frequency ng ABS-CBN. Kinumpirma rin ito ngThe National Telecommunications Commission (NTC).

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/25/dating-frequency-ng-abs-cbn-na-channel-2-nakuha-na-raw-ng-media-company-ni-villar/

Gayunman, namataang kasama ni Revillame si Villar kaya't mas lalong uminit ang haka-hakang lilipat na ng TV network ang aktor maging ang pag-ere ng programa nitong "Wowowin."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ibinahagi ng CEO at Film producer na si Sam Verzosa sa kanyang Instagram ang behind-the-scenes ng meetup nina Willie at Manny.

“Senator Manny Villar visits Kuya Wil in tagaytay, together w Congresswoman Camille Villar (Philippine flag),”aniya sa kanyang caption.

May kalakip ding mga hashtag ang kanyang caption:“#GodsWil,” “#ItsWrittenInTheStars,” “#Wowowin,” and “#TutokToWin.”

Sa isang pahayag ng GMA Network nitong Sabado ng gabi, Pebrero 5, ibinunyag nito na magtatapos na ang kontrata ni Willie Revillame sa darating na Pebrero 15. Dahil dito, hanggang Pebrero 11 na lang ang pag-ere ng sikat na programang “Wowowin.”

"We wish him good luck in his future endeavors,” anang GMA Network.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/05/kontrata-ni-willie-revillame-sa-gma-magtatapos-na-wowowin-hanggang-peb-11-na-lang/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/05/kontrata-ni-willie-revillame-sa-gma-magtatapos-na-wowowin-hanggang-peb-11-na-lang/

Samantala, wala pang pahayag si Willie sa naturang issue.