Sa isang pahayag ng kampo ni Vice-Presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte nitong Linggo, Pebrero 6, nilinaw nitong walang nagaganap na dikusyon sa pagitan nila ng ka-tandem na si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng kaso ng diskwalipikasyon nito sa Commission on Elections (Comelec).

Hindi ikinatuwa ng alkalde ang usapin na ito na bago pa man sila mailuklok bilang opisyal ng bayan.

“Personally, I find talks about me ‘possibly replacing ‘ a President Bongbong Marcos exceptionally unpleasant as — in reality — both of us are yet to win the elections. It is putting the cart before the horse,” saad ni Sara sa isang opisyal na pahayag.

“I am not entertaining the thoughts of a possible replacement as I also do not look forward to a scenario of a disqualified BBM — before or after the elections,” dagdag ni Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dito muling iginiit ng ka-tandem ni Marcos na walang basehan at gawa-gawa lang ng mga 'anti-Marcos' ang mga kaso bilang tangkang muling kontrolin ang bansa.

“I maintain that the disqualification cases filed against BBM have no basis at all — orchestrated by anti-Marcos forces desperate to regain control of our country, never mind if they sow divisiveness among our people, never mind if they undermine our freedom, never mind if they make a mockery of our laws,” pagbibigay-diin ni Duterte.

Sa panayam ni Korina Sanchez nitong Sabado, Pebrero 5, tila payag si Marcos na mag-take over ang ka-tandem na si Sara sakaling siya ay tuluyang ma-diskwalipika. Gayunpaman, ayaw nitong maapektuhan ang kanyang kasalukuyang kampanya.

"Of course, I take everything seriously. I worry about everything but I don't let it distract me from the campaign," ani Marcos.

Nag-ugat ang mga kaso ng disqualification nang hiwalay na maghain ang martial law victims sa pangunguna ni Bonifacio Ilagan; Akbayan Paty-list at Abubakar Mangelen sa ground ng tax case conviction ni Marcos noong 1995.