Rumesbak ang aktres at Kakampink na si Rita Avila laban sa tila patutsada ni Dynee Domagoso, misis ni Presidential aspirant Isko Mofreno, kaugnay ng internet issue kamakailan ng isang kandidato na una nang inalmahan ng mga Kakampink bilang patama kay Vice President Leni Robredo sa naganap na KBP Presidential Candidates Forum.
Matatandaang si Robredo lang ang tanging nagkaroon ng connection issues sa naganap na presidential forum noong Biyernes, Pebrero 4 kaya’t sa kanyang Twitter account agad itong humingi ng paumanhin.
“I apologize for the bad connectivity during the forum. The fault is all mine,” sabi ni Robredo.
Naging maanghang naman ang patutsada ni Dynee ukol dito na inalmahan kaagad ng mga Kakampink o tagasuporta ni Robredo.
“Internet nga hindi maayos, bansa pa kaya,” ani Dynee
“Kumbaga sa class reporting, preparedness is the key para[100] ang grade,” dagdag pa nito.
Kabilang sa agad na rumesbak para kay Robredo ang aktres na si Rita Avila.
Unang binanatan ng aktres si Dynee sa isang Facebook post kalakip ang screengrab ng pahayag ng isang netizen kaugnay ng “pagbulsa ng campaign donations” ni Isko na habang legal ay hindi umano “ethical.”
“Mrs. D, feeling 1st lady na? Very troll naman. Ang baduy makipag-away k[ay] VP Leni. Dumb argument. Sorry,” walang prenong saad ni Rita sa kanyang caption sa larawan.
Sa isa pang Facebook post, kalakip ang headline ng balita kaugnay ng patutsada ni Dynee kay Robredomuling pinalagan ng aktres ang misis ni Isko.
“Parang ‘d[i] nagbabasa ng totoong balita. ‘Wag ganun Mrs. D. Kawawa naman si Mr. D,” sabi ni Rita.
“Alalahanin: Sa likod ng pagkatalo ni mister ay si misis,” dagdag niya.
Mababasa rin sa caption ng lawaran ang “Sorry but her argument is dumb. Kakahiya naman si misis. Very troll.”
Ang award-winning actress ay masugid na tagapagtanggol at tagasuporta ni Vice President Leni Robredo na tumatakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa darating na May 2022 elections.