Nangako ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Executive Pastor Apollo Quiboloy na susundin nila ang anumang magiging kautusan ng hukuman sa Pilipinas sakaling hihilingin ng United States (U.S) na i-extradite ito upang harapin ang mga kaso nito.

“We will abide by whatever process is made,” ayon sa pahayag ni Topacio, isa sa abogado ni Quiboloy, sa panayam ngSonshine Media Network International (SMNI) nitong Linggo, Pebrero 6. Ang SMNI ay pag-aari ni Quiboloy.

“If the court says that he has to be extradited then we will follow what the law says,” paniniyak ni Topacio.

Inilabas ni Topacio ang reaksyon bilang tugon sa pagpapalabas ngU.S. Federal Bureau of Investigation (FBI) ng "wanted" posters ni Quiboloy kasunod na rin ng inilabas na federal warrant noong Nobyembre 21, 2021 kaugnay ng pagsasampa sa kanya ng kaso sa U.S District Courtfor the Central District of California, Santa Ana, California dahil sa umano'y pagkakasangkot sa kasong sex trafficking by force, fraud, coercion at sex trafficking of children, conspiracy, bulk cash smuggling at iba pa.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

“I think this is designed to humiliate and embarrass the pastor and the members of the Kingdom. This is a very despicable act,” sabini Topacio.

Nilinaw nito, hindi umano nagtatago ang kanyang kliyente (Quiboloy) at "alam aniya ng lahat kung nasaan ito."

“There is no need to ask the public for information regarding the whereabouts of Pastor Quiboloy. That is only done when a person is actively a fugitive from justice and in hiding.He is not within the jurisdiction of the United States. So bakit ang poster nasa Amerika eh naririto siya (sa Pilipinas),” he added.

Kahit din aniya kadikit ni Quiboloy si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi sila hihingi ng anumang pabor dahil hindi naman umano kailangan.

“There are laws here and as long as those laws are faithfully complied with on a petition for extradition, should there be one, 'yun na po ang aming tutuparin,” sabi nito.

Sa batas aniya ng Amerika, trabaho ng USState Department na humiling ng extradition request saDepartment of Foreign Affairs (DFA).

“Once it is determined the request falls under any of the grounds cited in 1995 Extradition Treaty, the DFA will ask the Department of Justice (DOJ) to file an extradition petition before the regional trial court (RTC).The court (RTC) will hold a probable cause hearing to determine whether extradition can be allowed,” lahad pa ng abogado.

Jeffrey Damicog