May tips si Presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson para sa kapwa kandidato na lalahok sa mga forum o debate.

Sa isang Tweet nitong Linggo, Pebrero 6, nagbigay ng payo ang senador sa mga kagaya niyang sumasalang sa forums and debates.

“Tips on forums and debates: When you don’t know, read. When you don’t understand, ask. When you ask, listen. When you listen, absorb. When you can’t absorb, don’t attend. When you attend, turn off your internet connection,” saad ni Lacson.

Matatandaang ilang kapwa presidential aspirant ang naging usap-usapan kamakailan sa naganap na KBP Presidential Candidates Forum kamakailan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Muling hindi pinaunlakan ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang naturang programa dahil sa conflict of schedule.

Screengrab mula sa Twitter

Basahin:

BBM, tumangging dumalo sa presidential forum; #MarcosDuwag, #BaBackoutMuli trending sa Twitter – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

BBM, hindi nakadalo sa KBP forum; inuna si Korina? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, naging problema naman sa kampo nina Vice President Leni Robredo ang mabagal na internet connection sa kanilang ginawang make-shift office.

Basahin: Robredo, humingi ng paumanhin dahil sa mahinang internet sa oras ng KBP forum – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Laging present sa kabi-kabilang debate o panayam si Lacson simula Enero. Sa katunayan, sumalang ito sa "The Jessica Soho Presidential Interviews" sa kabila ng pagiging positibo sa coronavirus disease (COVID-19).