Sa panayam sa isang vlog, ipinagtapat ng komedyanteng si Brenda Mage na masaya siya na natupad na ang pangarap niyang maging housemate sa reality show na Pinoy Big Brother o PBB, kung saan napabilang nga siya sa celebrity housemates para sa season 10 nito.

Mapalad din na napabilang siya sa Top 5, subalit 2 lamang ang nanaig sa kanila. Ito ay sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion. Sila naman nina Madam Inutz at Samantha Bernardo ay napalabas na kaagad sa Bahay ni Kuya.

Sinabi rin ni Brenda na bago siya makapasok sa PBB House ay kasama sana siya sa seryeng 'Darna: The TV Series' na pagbibidahan ni Jane De Leon, subalit mas pinili raw niya ang mapabilang sa celebrity housemates ng Kumunity Season 10.

Alam daw niyang mababago ang takbo ng kaniyang showbiz career kapag nakapasok na siya rito. Kung ano raw ang nakita ng publiko sa kaniya, iyon na talaga ang ugali niya, kabilang na ang pagiging 'Marites'.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kumbaga, iyon naman daw talaga ang goal ng show, ang pagpapakatotoo. Mas mainam nga raw iyon dahil hindi naging kabagot-bagot at matumal ang pananatili niya sa loob ng BNK.

Nang ma-evict siya at lumabas ng BNK, laking-gulat niya na marami na siyang bashers na umalma at hindi nagustuhan ang pagpapakita niya ng totoong sarili habang nasa loob ng pinakasikat na bahay sa Pilipinas.

Pero syempre, natanong din siya kung talaga bang nagnasa siya sa kapwa housemate na si Eian Rances. Mariin itong itinanggi ni Brenda dahil kaibigan lamang daw ang talagang tingin niya kay Eian. Ngayon lamang daw siya nakaranas na magkaroon ng kaibigang straight na hindi nandidiri o naiilang sa gaya niya.

Aminado naman siya na kung pinakadugyot na housemate ang pag-uusapan, wala na raw iba kundi siya.

Nabuking din niya kung sino ang 'pinakadakila' o daks sa mga male housemate na nakakasama niya sa loob ng kuwarto. Ito raw ay walang iba kundi si KD Estrada. Kitang-kita raw talaga ang 'Felix Bakat' nito lalo't kadalasan umano ay nakapambahay lamang sila.

Sa mga usapang 'jugjugan' naman, mangunguna raw diyan si Madam Inutz na isa sa mga naging malapit sa kaniya.