Nanindigan angDepartment of Justice (DOJ) na ibabatay lamang nila sa batas at proseso ang kanilang magiging hakbang sa posibleng pagpapa-extradite kayKingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy sa United States sa kabila ng pagiging malapit nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Chief State Counsel George Ortha II, wala pa rin silang natatanggap na extradition request ang DOJ mula sa Estados Unidos matapos ilabas sa “most wanted” ng Federal Bureau of Investigation si Quiboloy na nahaharap sa patung-patong na kaso, kabilang na ang sex trafficking by force, cash smuggling, conspiracy at iba pa.

Hindi aniya maiaalis ang alinlangan sa publiko sa paghawak ng DOJ sa kaso dahil sa pagiging malapit nina Quiboloy at Duterte. Gayunman, tiniyak nito na hindi ito makaaapekto sa kanila kahit pa depensahan ng pangulo ang pastor.

Kapag natanggap namin 'yung request, gagawin namin 'yung trabaho nang naaayon sa batas at sa proseso na ginagawa namin sa departamento, regardless kung sino 'yong personalidad na involved ... basta susundin lang natin kung ano iyong nasa batas at susundin iyong proseso," aniya.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Dadaan pa ang extradition request sa diplomatikong ruta kasama ang embahada at Department of Foreign Affairs upang pag-aaralan ang requestbago isumite sa DOJ.

Magsasagawa rin ang DOJ ng sariling pagsusuri sa merito ng petisyon bago iharap sa korte.

Sa panig naman ni DOJ Secretary Menardo Guevarra, kahit may extradition treaty ang Pilipinas sa Estados Unidos, kailangang tiyaking masusunod ng request ang hinihingi ng kasunduan at ng extradition law ng Pilipinas bago ma-extradite ang sinuman.