Galit na kinuwestiyon ni Senador Imee Marcos nitong Linggo, Pebrero 6, ang memorandum ng Department of Health (DOH) kung saan pinahihintulutan ang gobyerno na isawalang-bahala ang parental consent kung nais naman na magpabakuna ang isang bata.

Pinaalalahanan ni Marcos ang DOH na hindi dapat at hindi maaaring agawin ng gobyerno ang awtoridad ng magulang.

“Government cannot usurp parental authority. Parents have the right to decide on the health and safety of their children,” ani Marcos sa isang pahayag.

Ang tinutukoy ni Marcos ay ang kontrobersyal na memorandum na inilabas noong Enero 24 na nagsasaad na ang gobyerno ay maaaring kumilos bilang "parens patriae" - Latin para sa magulang ng bansa - kapag ang isang bata ay gustong mabakunahan ngunit ayaw pahintulutan ng magulang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Saad ng memo sa ika-anim na pahina: “In case the parent/guardian refuses to give consent to the vaccination despite the desire and willingness of the minor child to have himself/herself vaccinated, or there are no Persons that may legally exercise parental authority over the child, the State may act as parens patriae and give the necessary consent. Therefore, the proper officer representing the State as parens patriae may sign the consent form. In this regard, the DSWD or its city/municipal counterparts shall serve as the proper office who shall represent the State.”

Pagpupunto ni Marcos, “The DOH has a lot of explaining to do. This isn’t the first time it committed a gaffe of such magnitude.”

Noong nakaraang Disyembre 2021, inanunsyo ng gobyerno na bumili ito ng humigit-kumulang 15 milyong dosis ng Pfizer vaccine para ma- inoculate ang mga bata 5 hanggang 11 taong gulang, ngunit napilitan silang ilipat sa Lunes ang simula ng COVID-19 vaccination campaign para sa mga menor de edad, dahil sa logistical problems.

Sinabi ng senador na umaasa siya na ang pagtulak sa pagbabakuna sa mga bata ay "talagang para sa kanilang kapakanan at hindi para sa kapakanan ng mga pagbili ng bakuna."

“Let’s prioritize the elderly and not lose sight of fully vaccinating the most vulnerable groups before rushing to vaccinate healthy kids,” sabi ni Marcos.

Hannah Torregoza