Mukhang hindi pa tapos at walang makapipigil kay retired Comelec commissioner Rowena Guanzon sa pagbabahagi ng kaniyang mga diretsahang iniisip, komento, at saloobin tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid, kabilang na ang kaniyang mga kandidatong balak na iboto sa darating na halalan.

Sa panibagong tweet ni Guanzon ngayong Pebrero 6, 2022 ng umaga ay tila may pinatututsadahan ang retired commissioner na isang aktor na hindi niya iboboto dahil sa pagiging 'ignorante' sa mga isyung pang-ekonomiya.

"Some actor is hitting me for saying I won't vote for him. I won't vote for him because he is IGNORANT of economic issues. IGNORANT," tweet ni Guanzon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Screengrab mula sa Twitter/Rowena Guanzon

Sa isa pang tweet, sinabi ni Guanzon na mas magaling pa raw ang komedyanteng si Pokwang kaysa kay Robin, ngunit si Robin Doby ng 'Harry Potter' movie.

"Mas magaling pa si Pokwang kay Robin Doby (in Harry Potter)," aniya.

Pahkatapos nito, sinabi rin niya ang kandidatong susuportahan niya sa pagkasenador.

"I will vote for Carmen Zubiaga Reyes for senator. She is a PWD rights advocate with a good track record," saad niya sa isa pang tweet.

Screengrab mula sa Twitter/Rowena Guanzon

Bagama't walang binanggit na pangalan, marami sa mga netizen ang nagpalagay na ang maaaring pinatututsadahan ni Guanzon ay ang aktor at senatorial aspirant na si Robin Padilla. Matatandaang noong Pebrero 5, hayagang sinabi ni Guanzon sa isang tweet na hindi niya iboboto sa pagkasenador si Robin. Sinabi pa niya na sana raw ay 'maawa' ang mga tao sa Pilipinas.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/guanzon-hindi-iboboto-si-robin-maawa-kayo-sa-pilipinas/

Kaagad namang sumagot dito si Robin, kalakip ang ulat ng Balita Online. Saad ni Robin, hindi naman daw niya hinihingi ang boto ni Guanzon. Hinamon pa niya ang retired commissioner na buksan ang isang link na 'ebidensya' na naging biktima si Supremo Andres Bonifacio ng extra judicial killings o EJK.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/robin-sumagot-kay-guanzon-hindi-ko-po-hinihingi-ang-boto-nyo/

Samantala, wala pang kontra-tugon si Robin sa mga panibagong parinig ni Guanzon sa Twitter. Sa halip, muli niyang ibinahagi sa kaniyang Facebook account ang kaniyang mga plataporma sa kaniyang pagtakbo bilang senador.

"Marami po tayong layunin sa ating pagtakbo sa senado. Panahon na ng tunay pagbabago. Basahin ang ating plataporma sa: http://robinpadilla.ph #AksyonHindiDrama #RobinPadilla2022 #RobinPadillaSenator2022.

Screengrab mula sa FB/Robin Padilla

Screengrab mula sa FB/Robin Padilla