Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 8,361 bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Pebrero 6.
Sanhi nito, umaabot na sa 3,609,568 ang total COVID-19 cases sa bansa base na rin sa case bulletin #694 na inisyu ng DOH.
Sa naturang bilang, 3.5% na lamang o 126,227 ang aktibong kaso, kasama rito ang 116,598 na mild cases, 4,864 na asymptomatic, 3,008 na moderate cases, 1,447 na severe cases at 310 na critical cases.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 18,431 pasyente pa na gumaling na mula sa karamdaman.
Sa ngayon, mayroon nang kabuuang 3,428,815 ang COVID-19 recoveries sa bansa o 95.0% ng total COVID-19 cases.
Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 312 mga pasyenteng namatay sa sakit.
Sa mga namatay, 77 ang naitala nitong Pebrero 2022 at 56 naman noong Enero 2022.
Ang iba pang pumanaw dahil sa karamdaman ay pawang namatay noon pang taong 2020 at 2021 at huli lamang na naiulat sa COVIDKaya system.
Sa kabuuan, mayroon nang 54,526 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.51% ng total COVID-19 cases.
Mary Ann Santiago