Sa loob lamang ng 16 na oras, ang tanging piso sa GCash ng isang vlogger ay naging P100,000 sa pamamagitan ng isang challenge.

Sa uploaded video ng isang vlogger na isa Adam Alejo nitong nakaraang January 18, gumawa siya ng "Stuck on a QR code Box" challenge kung saan nasa loob siya ng kahon na may malaking print ng QR code at hindi siya aalis hanggat di umabot sa 100,000 ang pera niya sa Gcash.

Naisipan niya ang challenge na ito dahil naniniwala siyang maraming kapwa nating Pilipino ang gustong tumulong sa maliit o malaking halaga.

Aniya, "Alam ko at ramdam ko na maraming Pilipino ang gustong tumulong. Pero ang tanong, kung kunti lang ang pera ng mga Pilipino na gustong tumulong, ano ang paraan na pwede nilang gawin?"

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Maaga niyang sinumulan ang challenge ngunit kaunti pa lamang ang nagse-send kaya gumawa siya ng strategy kung saan pinost niya sa kanyang official Facebook page ang challenge at pinaliwanag niya rin kung ano malalim na rason at kung para sa ang challenge.

Pagkatapos ng ginawa niya, maraming tao na ang nag-send ng pera sa kanya at hindi lang piso kung 'di 500 pesos.

"Ang dami na nagse-send, ito ang na-iimagine ko kung gan'to lang yung klase ng pagtutulungan at kailangan lang talaga na may mag-initiate, pero kailangan din nila malaman kung paano tumulong dahil marami talaga ang gustong tumulong," nagulat na paglalahad ni Adam

Tuloy-tuloy na donasyon ang natanggap niya at ilang minuto lang ay lumagpas na ito ng mahigit 1,000. At wala pang isang oras umabot na kaagad ng 7,500.

Hindi narin nagpaawat ang mga Pinoy dahil marami rin ang nag-abot ng cash kay Adam, kaya sa isang oras at kalahating minuto ay meron nang P27,000.

Sa dami ng netizens na natuwa dahil sa lalim na rason ng challenge, kahit sinu-sino nalang ang nagse-send sa kahit magkanong halaga.

"Sa maliit na misyon na naumpisahan natin ay unti-unti ng lumalaki ngayon."

Sa loob ng isang araw, hindi lamang pera pati narin pagkain ang natanggap ni Adam sa loob ng QR code box. At dito nakalikom siya ng from 50k-100k.

"Dati ay pangarap ko lang ang magkaroon ng isang community na kayang magtulungan para sa isang purpose and that is to #CreatebeyondDreams, a purpose that is bigger than a video and a purpose that can change lives."

Maraming Pilipino at lalong-lalo na ang mga netizens ang saludo sa Adam at sa ideya nito, dahil ang nalikom niyang 100k ay tinulong niya sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong Odette.

Nasa mahigit dalawang daang pamilya ang natulungan ng ating mga kababayan sa pamamagitan kay Adam at sa ginawang challenge nito.

Kaya labis na na nagpapasalamat si Adam sa mga taong tumulong sa kanya sa mga donasyon na binigay sa kanya at sa suporta na binigay ng mga kaibigan nito.

Ayon sa kanya, "Alam ko na ang initiative na ito ay band - aid solution lang sa problemang kinahaharap ng ating mga kababayan natin ngayon. Pero masaya ako na nakagawa tayo ng paraan at nangingibabaw ang ating pagtutulungan."

Umabot nasa 5 Million views ang video at may 3.5 k comments and 14k shares.