Naging milyonaryo na ang isang sibilyan na nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad upang matunton at mapatay siNew People’s Army (NPA) leader Jorge “Ka Oris”Madlos sa Bukidnon noong 2021.

Kinumpirma niMajor Francisco Garello Jr., tagapagsalita ng 4th Infantry Division (4ID), na tinanggap na ni alyas "Ricky" ang milyun-milyong pisong pabuya ng pamahalaan sa isinagawang seremonya sa $ID headquarters sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro City nitong Pebrero 2.

Personal na iniabot niDepartment of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang reward sa naturang sibilyan na naging tulay upang matunton si Madlos na naiulat na napatay matapos umanong lumaban sa mga tauhan ng 403rd Infantry Brigade sa Impasugong, Bukidnon noong Oktubre 30 ng nakaraang taon.

SiMadlos ay itinuturong tagapagsalita ng NPA at pinuno ng NPA National Operations Command.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Martin Sadongdong