Agad na nagbigay ng reaksyon si senatorial candidate Robin Padilla sa sinabi ni retired Comelec commissioner Rowena Guanzon, na hindi siya nito iboboto bilang senador sa darating na halalan, na naunang napabalita sa Balita Online.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/guanzon-hindi-iboboto-si-robin-maawa-kayo-sa-pilipinas/

"Nakakatuwa naman ang retired Comelec official na ito na lumabag sa mismong mga patakaran ng korte at nag-eskandalo sa labas ng Comelec at siniraan ang kaniyang pinagsilbihan ng ilang taon. Ito ang mga halimbawa ng grandstanding. Tutal ipinagyabang n'yo kayo ay tunay na mataas ang pinag-aralan at mahusay magbasa ng ebidensya. Abogado po kayo sigurado maintindihan n'yo ito," ani Robin sa kaniyang Facebook post. Kalakip nito ang naunang ulat ng Balita Online hinggil sa tweet ni Guanzon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa FB/Robin Padilla

Inilakip ni Robin sa kaniyang Facebook post ang isang link na ebidensya umano na biktima ng extra judicial killings ang bayaning si Supremo Andres Bonifacio gaya ng nauna na niyang sinabi sa panayam ni Karen Davila noong Pebrero 4 sa ABS-CBN News Channel o ANC. Hinikayat niya si Guanzon na basahin ito.

"Basahin n'yo po muna ang hawak namin ebidensya na si Supremo Andres Bonifacio ay biktima ng EJK kasama ang Ilan pang miyembro ng Katipunan bago kayo maglabas ng desisyon n'yo na kami ay mga bobo."

Sa huli, hindi raw hinihingi ni Robin ang boto ni Guanzon.

"Hindi ko po hinihingi ang boto n'yo. Kung nais n'yo po, panoorin po ninyo ito nang ma-educate po kayo sa kasaysayan ni Andres Bonifacio."

Guanzon, hindi iboboto si Robin: ‘Maawa kayo sa Pilipinas’
Rowena Guanzon at Robin Padilla (Larawan mula sa Twitter/Balita Online)

Samantala, wala pang tugon dito si Rowena Guanzon.