Sinusuportahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang Senate Bill 2475 na naglalayong maprotektahan ang mga empleyado sa pagtatrabaho nang lagpas itinakdang oras ng trabaho sa ipinaiiral na work from home set up sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pahayag ng CHR, pinipigilan ng SB 2475 (Workers Rest Law) ang mga employer sa pagbibigay ng "unli-work from home" o pagbibigay ng trabaho at pagpapatawagng pagpupulong na lagpas sa itinakdang oras ng trabaho.
Dahil dito, nais ng CHR na mapanatili ang hangganan sa pagitan ng trabaho at pahinga na malabong mangyari dahil sa kasalukuyang setup.
Paliwanag naman ni CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, inaabuso umano ng ilang employer ang nasabing sistema dahil na rin sa madaling trabaho ng mga kawani sa tulong na rin ng teknolohiya.
“The economic uncertainty also heightened the fear of unemployment. Some employers have taken advantage of this fear to exploit their workers’ services and overstep the boundaries of reasonable work hours,” pagdadahilan pa ng tagapagsalita ng CHR.
Czarina Nicole Ong Ki