Kasunod ng tuluyang pagbulusok ng karera ni Filipino-American pop star Olivia Rodrigo noong 2021, ang 18 taong-gulang ang kauna-unahang Asian-American na tatanggap ng prestihiyusong ‘Woman of the Year’ award ng Billboard ngayong taon.

Nitong Biyernes, Pebrero 4, inanunsyo ng Billboard ang parangal bilang pagkilala sa kamangha-manghang kontribusyon ni Olivia sa industriya halos dalawang taon lang matapos ang kanyang chart-topping “Driver’s Licence” noong 2020.

Taong 2021, naging massive hit din ang debut album ni Olivia, ang “SOUR” kung saan kinilala siya billboard sa kanilang year-end lists nito kabilang ang top Global Artist, top Overall New Artist, top Hot 100 Songwriter, bukod sa iba pa.

Tumabo rin sa streaming sites ang mga kanta ng SOUR na nakapagtala ng higit 385 million global streams. Naging mainstay pa sa Billboard Top 30 ang lahat ng 11 tracks nito sa loob ng release week.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Her talents as a storyteller and songwriter have made Olivia one of the most authentic and exciting new artists to explode onto the scene in years. Connecting with audiences across generations through emotionally charged songs about heartbreak, jealousy and growing up, she’s achieved absolutely incredible chart success for a debut artist. We are thrilled to celebrate her unique voice and the enormous impact she’s had on fans around the globe in such a short time," ani Billboard Editorial Director Hannah Karp sa ulat ng Billboard.

Gaganapin ang taunang Billboard Women in Music Awards sa Marso 2 sa Youtube Theater sa Hollywood Park sa Inglewood California.