Nadagdagan pa ng 53 ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang isinapubliko ng PNP-Health Service nitong Sabado, Pebrero 5, at sinabing 48,541 na ang kabuuang nahawaan ng sakit sa pulisya.

Sa nabanggit na bilang, 771 ang aktibong kaso at 229 na ang nakarekober sa karamdaman.

Nakapagtala na ang PNP ng 47,643 total recoveries at 127 na binawian ng buhay mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Nitong Biyernes, naitala ng Department of Health (DOH) ang 8,564 na bagong bilang ng kaso ng sakit kaya umabot na sa 3,594,002 ang kabuuan nito.

Sa tinukoy na kaso, 151,389 ang aktibo pa, gayunman, umakyat na sa kabuuang 3,388,399 ang nakarekober sa sakit.

Sa ngayon, nakapagtala na ang DOH ng 54,214 na kabuuang namatay sa COVID-19.

PNA