'Most wanted' ngayon ng Federal Bureau of Investigation o FBI ang tinaguriang 'Appointed Son of God' na si Pastor Apollo Quiboloy. spiritual leader ng 'Kingdom of Jesus Christ (KOJC), The Name Above Every Name ' dahil umano sa mga patong-patong na kaso.

Makikita ang larawan at profile ni Quiboloy sa mismong FBI website, at nakasaad dito na 'most wanted' o pinaghahanap na siya.

"Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Fraud and Coercion, and Sex Trafficking of Children; Sex Trafficking by Force, Fraud, and Coercion; Conspiracy; Bulk Cash Smuggling," saad sa caption ng FBI website.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Apollo Quiboloy (Screengrab mula sa FBI)

Apollo Quiboloy (Screengrab mula sa FBI)

Matatandaang noong 2021 ay tuluyan nang sinampahan ng sex trafficking case si Quiboloy kaugnay ng umano'y pamimilit sa mga dalaga at iba pang babaeng 'tagapagsilbi' nito na makipagtalik sa kaniya bilang bahagi ng kanilang 'walang hangganang pagsumpa'.

Ayon sa U.S. Justice Department, bukod kay Quiboloy, kinasuhan din ang dalawang kasamahan nito na si Teresita Tolibas Dandan at Felina Salinas dahil sa pagrerecruit ng mga babaeng edad 12-25 upang magtrabaho bilang personal assistants o 'pastorals' ng kanilang religious leader.

Sa record ng kaso, bukod sa paghahanda ng makakain, paglilinis ng bahay at pagmamasahe, inoobliga rin ni Quiboloy ang mga 'pastorals' na makipagtalik sa kanya o ang tinatawag na 'night duty.'

Kabilang umano sa naging biktima ni Quiboloy ang limang babae, tatlo sa mga ito ay menor de edad nang magsimula ang sex trafficking incident noong 2002 at nagpatuloy hanggang 2018.

Binanggit sa demanda, ang mga babaeng pumapayag sa kagustuhan ni Quiboloy ay binibigyan ng pabuyang masasarap na pagkain, mamahaling hotel room, pamamasyal sa mga tourist spots, at taunang cash payment na kinukuha sa naso-solicit ng mga tauhan ng KOJC sa United States.

Kamakailan lamang ay inendorso pa ni Quiboloy ang tandem nina Bongbong Marcos at Sara Duterte noong Martes, Pebrero 1. Nakapag-live pa nitong Pebreo 4 si Quiboloy habang nasa Davao City.