Mahigit sa 1,000 indibidwal na ang nabakunahan sa drive-thru booster vaccination na ipinagkaloob ng Kamara sa mga kongresista, secretariat officials at empleyado, congressional staff at kanilang mga dependent sapul nang ilunsad ang programang ito noong Disyembre 17, 2021.

Binibigyan ng halaga ng programa ang proteksyon at kaligtasan ng mga mambabatas, congressional workforce, at dependents tungkol sa vaccine boosters laban sa COVID-19 virus na patuloy sa pananalasa sa maraming parte ng bansa.

Sinabi ni House Medical at Dental Service Director Dr. Jose Luis Bautista, na umaasa silang marami pang solon, kawani at kanilang dependent ang sasailalim sa booster jabs sa susunod na mga araw.

Samantala, sinabi ni Bautista na may 279 indibidwal ang naturukan ng booster shots noong Biyernes. 

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

      

Ang CONGVAX program ay pinangunahan nina Speaker Lord Allan Velasco, Secretary General Mark Llandro Mendoza at ng CONGVAX team.

        

Sinabi ni Bautista na sa pamamagitan ng tamang impormasyon, ang mga kongresista at kawani ng Kapulungan ay nagkakaroon ng kaalaman sa nakatakdang mhs araw ng pagbabakuna.         

“With this information drive, a lot of people are now going to the vaccination site at the Second Level North Steel Parking and are being vaccinated,” ani Bautista.

Bert de Guzman