May mensahe at paalala si It's Showtime host at Kapamilya star Kim Chiu sa mga rehistradong botante sa darating na halalan 2022.
Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram story ang isang art card na naglalaman ng mga nararapat na katangian ng isang lider na dapat iboto at iluklok sa posisyon sa 2022 elections.
"Let's vote wisely! This is our only chance to be heard. Voting this election is the most powerful choice that we all have as tax payers and as Filipino Citizens. We need leaders not in love with money but in-love with justice. Not in love in publicity but in love with humanity," saad ni Kimmy.
Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.
"I agree! So sa mga registered voters diyan, huwag puro kuda! Lumabas tayo sa mga bahay natin at magdesisyon tayo sa Mayo 14!"
"Ibang-iba 'tong statement na 'to sa 'Bawal lumabas' ah, mukhang matagal pinag-isipan 'tong statement na 'to kumbaga sa showbiz 'scripted', hindi bagay, masyado magaling, balik tayo sa 'Bawal lumabas'."
"Majority of people have already decided… you don't have to keep on reminding… I don't know why celebrities are given so much attention as if they are more intelligent than others…"
"Yes, Kim! Thanks for reminding us! Ibalik ang dignidad ng Pilipinas!"
Ang huling pagbibigay ng paalala ni Kim ay huwag nang lumabas ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay kung hindi naman kailangan, dahil na rin sa banta ng Omicron variant.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/12/kim-chiu-muling-nagpaalala-sa-publiko-bawal-lumabas/