Sa patuloy na pag-usad ng kaso sa pagkamatay ng Maguad siblings na sinaCrizzlle Gwynn at Crizvlle Louis, tila nahihirapan umano ang mga magulang ng magkapatid na makamit ang hustisyang ninanais nila.
Napagtanto ni Lovella, ina ng magkapatid, kung gaano kahirap makakuha ng hustisya rito sa bansa.
Sa Facebook post ni Lovella nitong Pebrero 3, ibinahagi niya ang kanyang saloobin.
"Ngayon ko pa po na realize kung ano kahirap makakuha ng justice dito sa ating bansa," aniya.
Sinabi rin ni Lovella na mas tumitindi ang sakit na nararamdaman nila kahit na sumailalim na sila sa psychosocial therapy.
"Sa simula pa lang ng pag uusad ng kaso mahirap na at habang tumatakbo ang mga araw lalong sumisikip ang dibdib at tumitindi ang kirot at sakit na maramdaman namin. Na kahit ano man ang pilit intindihin at kahit anong meaningful ang ginawa psychosocial therapy ay hindi pa rin maibsan," dagdag pa niya.
Ibinahagi rin ni Mrs. Maguad, nakita nila ang mga menor de edad na salarin na sina "Janice" at "Carl" na wala umanong senyales ng pagsisisi. Maayos din ang pananamit ng mga suspek.
"One was properly dressed- wearing black long sleeved shirt tucked in blue jeans. Wearing sunglasses as she entered the court guarded by a DSWD worker and a policewoman in civilian attire while the other was escorted by the DSWD worker and his parents," paglalahad niya.
"I was jealous to see them looking good, overly protected. I would like to confront them or wanted to look at them in the eye to ask them WHY? but I just tightly hold my husband's hand and cried because we couldn't do anything because the law is protecting them," dagdag pa niya.
Matatandaan na noong Enero 2, 2022, nanawagan si Cruz Maguad, ama ng magkapatid, kay Senador Kiko Pangilinan.
“Senator pangilinan nanawagan po ako sa inyo ano pong tulong ang maibibigay nyo sa akin sa nangyaring karumaldumal na pagpatay ng menor de edad sa dalawa kong inosenteng anak…please tulungan po ninyo ako,” ani Cruz.
Naging matunog umano ang pangalan ni Pangilinan nang umusbong ang balita tungkol sa pagpatay sa magkapatid na Maguad at ang pag-amin sa krimen ng menor-de-edad na suspek.
Si Pangilinan ang nag-akda ng batas na nagtatakda ng criminal age liability na hanggang 15 taong gulang.
Basahin ang buong ulat: https://balita.net.ph/2021/12/28/ama-ng-maguad-siblings-nanawagan-kay-sen-kiko-pangilinan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/28/ama-ng-maguad-siblings-nanawagan-kay-sen-kiko-pangilinan/
Ayon kay Lovella, ang pinakamasakit sa parte nila ay marinig ang confession kung paano pinahirapan ng mga suspek ang magkapatid na Maguad.
"Alam nyo po ba kung ano kasakit na iniimagine mo based sa kanilang confession kung paano nila pinahihirapan ang aming mga anak bago binawian ng buhay. It's so unfair for ate Gwynn n Boyboy na wala silang kamalaymalay sa pang traidor sa kanila ng taong minahal at pinagkatiwalaan nila at ang taong ni hindi man lng nila nakita o nakilala."
Matapos maghintay ng 53 araw para sa unang arraignment, ito ay ipinagpaliban pa ng 30 araw.
Samantala, naisipan ng mga malalapit na kaibigan nila na magsagawa ng donation drive upang makatulong sa mga gastusin ng pamilya.
Ayon sa grupo ng magkakaibigan, ginagawa nila ito upang hindi maramdaman ng mga magulang ng magkapatid na hindi sila nag-iisa sa laban na kinahaharapnila.Saad din nila na magiging mahaba, nakakapagod, at magastos ang proseso.
Sa mga nais tumulong sa Pamilya Maguad sa pamamagitan ng binuong donation drive, maaari lamang i-click ang link na ito:https://maguadsiblings.com/about.htmlat pindutin ang “for donations” button o 'di kaya'y magpadala ng mensahe kay Kenneth Cadagat sa kanyang Facebook (Kenn Cadz).
Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/14/mga-malalapit-na-kaibigan-ng-maguad-siblings-humihingi-ng-tulong-para-sa-pamilya-maguad/
Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/01/02/ina-ni-janice-lumuhod-sa-mga-magulang-ng-maguad-siblings/