Sasabak na rin sa mundo ng pageantry ang Wowowin host na si Herlene Budol o mas kilala bilang si “Hipon Girl.”

Sa isang Facebook post nitong Sabado, kinumpirma ng Philippine Pageants ang pagiging bahagi ni Herlene sa Kagandahang Flores, isa sa mga nangunguna at kilalang beauty pageant training camps sa bansa.

Rodgil flores (kaliwa) at Herlene Budol (kanan)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makikita ang larawan ni Herlene kasama si Tito Rodgil Flores, isang batikang pageant coach at queen maker.

Taong 1996 nang unang mag-recruit ng trainees para sa iba’t ibang national pageants ang KF sa pangunguna ni Flores.

Herlene Budol via Instagram

Kabilang sa mga kamakailang queens nito si Miss Grand International 2020 First Runner-Up Samantha Bernardo at Miss Earth 2017 Karen Ibasco.

Si Herlene ay nadiskubre sa sikat na programa ni Willie Revillame -- Wowowin.