Tahasang sinabi ni retired Comelec commissioner Rowena Guanzon na hindi niya iboboto sa pagkasenador si senatorial aspirant at action star na si Robin Padilla.

Sa kaniyang tweet nitong Pebrero 5, 2022, 8:21AM, sinabi ni Guanzon na hindi niya iitiman ang pangalan ni Robin sa balota sa darating na halalan 2022, at nagsabi pa siya na maawa umano ang taumbayan sa Pilipinas. Kalakip ng kaniyang tweet ang tweet naman ng isang netizen.

"Lord iligtas mo po kami kay Robin Padilla… Tama na po yung sankaterbang tanga na pinapasweldo namin sa senado… ipag- adya mo po kami sa lahat nang masama," saad ng netizen kalakip ang isang art card mula sa isang pahayag, tungkol sa kontrobersyal na pahayag ni Robin sa pagkamatay ng bayaning si Supremo Andres Bonifacio, na iniugnay niya sa EJK o extra judicial killings ng pamahalaan kontra droga. Sinabi niya ito sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel o ANC kay Karen Davila noong Pebrero 4, 2022.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter

“Kasama na talaga ‘yan. Ang EJK kasama na ‘yan. Si Andres Bonifacio nga ang unang biktima ng EJK. Kasama na ‘yan. Nakita ko ‘yan, kasama ‘yan, tuwing magpapalit ng administration, kailangan talagang magkaroon ng cleansing. Sapagkat lahat ng magtuturo doon sa kanilang mga patong, yayariin nila lahat ‘yan pababa, para siya ang malinis, pagbalik ng administrasyon, malinis siya," pahayag ng aktor-kandidato.

Marami sa mga netizen kasi ang bumatikos sa kandidato sa pagkasenador dahil iba naman daw ang tunay na nangyari kay Bonifacio sa kasaysayan; dumaan daw sa nararapat na trial ang bayani bago ito mahatulan ng kamatayan, pagtutuwid mismo sa Malacanang.

Kaya saad ni Guanzon, "Hindi ko iboboto si Robin Padilla. Maawa kayo sa Pilipinas."

Screengrab mula sa Twitter/Rowena Guanzon

Kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita dahil sa isyu ng disqualification case ni presidential aspirant Bongbong Marcos o BBM.