Tila may patutsada ang asawa ni presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na si Dynee Ditan Domagoso sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Pebrero 4.

Sa post ni Domagoso, sinabi niyang kung ang internet nga ay hindi maayos [ng isang kandidato] paano pa umano aayusin ang bansa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Internet nga hindi maayos, bansa pa kaya," aniya.

"Kumbaga sa class reporting, preparedness is the key para ? [100] ang grade," dagdag pa nito.

Sa naganap na KBP Presidential Candidates Forum nitong Biyernes, Pebrero 4, tanging si Vice President Leni Robredo lamang ang nagkaroon ng problema sa internet connection.

Humingi rin agad na paumanhin si Robredo matapos ang naturang forum.

“I apologize for the bad connectivity during the forum. The fault is all mine,” ani Robredo sa kanyang Twitter account.

“Our team tried hard to convince me to cancel all other engagements, pero pinilit ko pa din hanapan ng paraan to fulfill all our commitments, dahil alam kong naghihintay yung communities na pupuntahan namin, para maihatid yung tulong na pabahay bago magstart ang campaign period,” dagdag pa niya.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/02/04/robredo-humingi-ng-paumanhin-dahil-sa-mahinang-internet-sa-oras-ng-kbp-forum/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/04/robredo-humingi-ng-paumanhin-dahil-sa-mahinang-internet-sa-oras-ng-kbp-forum/

Samantala, umalma naman ang mga "Kakampinks" o mga sumusuporta kay Vice President Leni Robredo.

Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon:

Si Diana Lynn Ditan-Domagoso o mas kilala bilang Dynee Domagoso ay ikinasal kay Mayor Isko noong Enero 10, 2000.

Biniyayaan sila ng limang anak na sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan, at Drake Marcus.