Inulan ng nakaaliw na mga komento mula sa netizens ang kamakailang social media post ng fashion icon at Kapuso actress Heart Evangelista tampok ang isang 'luxury candle' bilang pag-welcome niya sa kanyang birthmonth, ang buwan Pebrero.

Kilala ang fashion socialite na si Heart sa kanyang magarbong fashion taste. Sa katunayan, trending ang kanyang naging mga awarahan sa nagtapos na Paris Fashion Week 2022 kamakailan. Isa lang naman siya sa mga piling personalidad sa mundo na nakapagsuot ng ilang mamahaling brands at naimbitahan sa mga eksklusibong fashion show sa "Fashion Capital of the Western World."

Sa kanyang post nitong Pebrero 1 sa iba't ibang social media platfroms, hindi na naman maiwasang magkomento ng netizens sa tampok na luxury candle ng aktres. Sinalubong kasi ni Heart ang buwan ng isang larawan hawak ang Chanel birthday candles. Dahil dito, nasubukan na naman ang wit ng netizens at bilang resulta, bumuhos ang nakakaaliw na mga komento.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Screengrab mula sa Facebook

Screengrab mula sa Facebook

Screengrab mula sa Facebook

Screengrab mula sa Facebook

Screengrab mula sa Facebook

Screengrab mula Instagram

Screengrab mula Instagram

Screengrab mula Instagram

Magdiriwang ng kanyang ika-37 na kaarawan si Heart sa darating na Pebrero 14.

Nitong Biyernes, Pebrero 5, kinumpirma ni Heart na bibida siya sa isang Hollywood series na mapapanood sa streaming giant Netflix.

Basahin: Kapuso actress Heart Evangelista, kumpirmadong bibida sa isang Hollywood series – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid