Bumaba muli ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Sabado, Pebrero 5, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).
Naitala na lamang ng DOH ang 7,689 na kaso ng sakit, mas mababa kumpara sa naitalang 8,564 na kaso nitong Pebrero 4.
Sa kabuuan, nakapagtala na ang ahensya ng 136,436 na aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.
Umabot naman sa 3,601,471 ang kabuuang kaso nito mula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Nasa 22,539 naman ang naitalang bagong gumaling sa karamdaman at isa lamang ang naitalang binawian ng buhay kaya umabot na sa 54, 214 ang total deaths sa bansa.
Mary Ann Santiago