Hinimok ng Babae Laban sa Korapsyon (BALAK) ang Commission on Election (Comelec) First Division nitong Sabado, Pebrero 5, na ilabas ang desisyon nito tungkol sa disqualification cases laban kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Sa isang pahayag, nanawagan ang grupo sa poll body na ilabas ang desisyon "upang maalis ang anumang pagdududa sa integridad ng Comelec" habang papalapit na ang halalan sa Mayo 2022.

“We furthermore demand the release at the earliest possible of the decision on the Marcos disqualification case,” anang BALAK.

“With only days left until the campaign season, it is but fair that the public be informed of how the disqualification case against Marcos was resolved,” pagbibigay diin nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpahayag din ng pagkabahala ang BALAK sa alegasyon ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon na isang senador ang nasa likod ng pagkaantala sa paglalabas ng desisyon.

“BALAK demands a prompt and thorough investigation into allegations that undue outside influence was exerted on the disqualification cases vs Ferdinand Marcos Jr.,” ayon sa grupo.

Matatandaang bumotong pabor si Guanzon na i-disqualify si Marcos Jr. at naniniwala itong may tao sa likod ng pagkaantala ng paglalabas ng desisyon ng Comelec ukol sa mga DQ cases.

Gabriela Baron