Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ng pure Pinay na kasama sa Korean hit series na All Of Us Are Dead sa Netflix.

Kinilala na si Pinay actress na Noreen Joyce Taburnal Guerra, na tubong Sitio Pamongbongan, Barangay Milibili, Roxas City.

Si Joyce ay kabilang sa mga naging student sa All Of Us Are Dead at hindi lamang ito ang kanyang sinalihan dahil marami na siyang "extra roles" sa mga palabas sa Korea.

Basahin: ‘Nabanas ka rin ba?’ Iba’t ibang reaksyon ng viewers ng ‘All of Us Are Dead’

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Napabilang din ang dalaga sa mga K-series tulad ng True Beauty, A Love So Beautiful, Extraordinary You, Extracurricular, The King: Eternal Monarch, Record of Youth, 18 Again, Waikiki S2 at madami pa.

Kaya't dream come true para sa dalaga ang masama sa korean hit series sa Netflix na All of Us are Dead. Marami rin ang humanga sa kanya sa pag-acting lalo na ang mga kababayan niyang taga Capiz.

Samantala, sa opisyal na datos ng Netflix para sa kabuuang streams ng All Of Us Are Dead mula Enero 28-30, tumabo na ito sa halos 125 million streams sa Netflix, dalawang beses sa record ng Squid Game na nasa higit 63 million streams lang tatlong araw matapos maging available sa streaming giant Netflix.

Basahin: ‘All Of Us Are Dead,’ binasag ang unang 3-day streaming record ng ‘Squid Game’

Sa Pilipinas, ang All Of Us Are Dead pa rin ang tumatabo pa rin bilang Top TV show na sinundan ng kapwa South Korean content na “Our Beloved Summer.”