IpapamalasniFilipino-American at alpine skier Asa Miller ang kanyang husay sa pagsabak nito sa 2022 Winter Olympicsna gaganapin sa Beijing, China simula Pebrero 4-20.

Sa isang television interview kay Miller na nasa Salt Lake City sa Utah, sinabi nito na hindi nito bibiguin ang mga Pinoy na sumusuporta sa kanya sa pagsalang nito saslalom at giant slalom events na mag-uumpisa sa susunod na linggo.

Aniya, napaghandaan na nila ang laban nito matapos siyang sumailalim sa matinding ensayo na limang beses kada linggo.

Si Miller, nagtapos sa Lincoln High School sa Portland, Oregon, ay nag-iisang kinatawan ng Pilipinas sa nasabing Winter Games kaya siya na lamang ang napiling humawak at nagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa opening ceremony ng Winter Olympics na idinaos sa Beijing National Stadium nitong Biyernes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Aniya, dalawang beses na siyang bumitbit ng bandila ng Pilipinas. Una ay nang sumabak din sa PyeongChang Winter Olympics sa South Korea noong 2018.

Isa lamang ang Pilipinas sa 19 bansang sumasabak sa nasabing Olimpiyada. Ang 18 pang bansa ay kinabibilangan ngAlbania, American Samoa, Cyprus, the Democratic Republic of Timor-Leste, Ecuador, Eritrea, Ghana, Haiti, India, Kyrgyzstan, Malta, Morocco, Nigeria, Pakistan, Peru, Saudi Arabia, Uzbekistan, at ang U.S. Virgin Islands.