Iniulat ng Department of Education (DepEd) na apat sa lima o 80.25% ng mga guro at kawani ang nabakunahan na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay batay na rin sa pinakabagong vaccination report na natanggap ng DepEd mula sa Department of Health.

Sa national summary ng vaccination status ng DepEd, nasa 779,002 ang bilang ng mga bakunado mula sa 970,730 kawani sa field offices at mga paaralan. Ito ay 7.7% (70,990) na mas mataas kumpara sa naiulat na bilang noong Nobyembre 2021.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Education Secretary Leonor Briones ang mga guro at kanilang mga personnel dahil sa kanilang suporta sa vaccination effort ng pamahalaan.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

“We are thankful to our teachers and personnel for their overwhelming support to our vaccination efforts. Our shared goal to get protected against COVID-19 will help us fast track our safe return to our classrooms,” ani Briones.

Nakapagtala ang DepEd-Region XIII (SOCCSKSARGEN) ng pinakamataas na porsyento ng mga bakunadong guro at kawani na nasa 96.30%, sinusundan ito ng DepEd National Capital Region at CAR na mayroong 93.29% at 89.41% immunization status, ayon sa pagkakasunod. 

Mary Ann Santiago