Nagpapagaling na ang aktor na si Diether Ocampo matapos maaksidente sa Makati City nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa pahayag ng Star Magic, ang talent agency na namamahala sa career ng aktor, binabantayan pa rin nila ang sitwasyon ng aktor na unti-unting nakaka-recover sa isang ospital mula sa tinamong mga sugat sa katawan.

“We appreciate everyone’s concern and ask for prayers for his speedy recovery,” paliwanag pa ng Star Magic.

Sa report ng pulisya, dakong 12:40 ng madaling araw, pauwi na ang aktor at minamaneho ang kanyang sports utility vehicle (SUV) nang biglang sumalpok sa isang nakaparadang truck ng basura sa Osmeña Highway.

Tsika at Intriga

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'

Kaagad namang isinugod sa ospital ang aktor. Wasak ang harapang bahagi ng sasakyan ni Ocampo dahil sa aksidente.