Humingi ng paumanhin si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo dahil sa kanyang mahinang internet connection sa oras ng KBP presidential candidates forum nitong Biyernes ng umaga.

"I apologize for the bad connectivity during the forum. The fault is all mine," ani Robredo sa kanyang Twitter account.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/lenirobredo/status/1489451266703257601

"Our team tried hard to convince me to cancel all other engagements, pero pinilit ko pa din hanapan ng paraan to fulfill all our commitments, dahil alam kong naghihintay yung communities na pupuntahan namin, para maihatid yung tulong na pabahay bago magstart ang campaign period," dagdag pa niya.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1489451271396671490

Nauna na ring sinabi ng bise presidente na nanghiram lamang sila ng opisina na malapit sa airport na kung saan puwede maki-Zoom para lamang maka-attend ng naturang forum.

"Nanghiram kami ng opisina malapit sa airport kung saan puwede kami maki Zoom para maka attend ng KBP Presidential Candidates Forum. Nakaschedule sana kaming lumipad ngayong umaga para balikan ang Odette-affected areas, pero pinush back namin ng lunchtime to make time for this," ani Robredo.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1489403737672396802

"Again, our apologies. Maraming lessons learned. We will do better next time," dagdag pa niya.

Kapansin-pansin din sa larawan na tila may kausap siya sa telepono. Aniya, doon niya pinakikinggan ang audio dahil mahina ang kaniyang internet.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1489451273355423745

Samantala, nagsalita rin si lawyer Barry Gutierrez, OVP spokesperson, tungkol sa internet issues. Aniya, kung may dapat umanong sisihin ay siya raw ang dapat sisihin.

"I feel your pain, guys. We all want to see VP Leni at her best and internet issues get in the way of that. That she was in a borrowed office is no excuse, and if you need someone to blame, blame me. That hate will be motivation to make sure this won't happen again. #LabanLeni2022," aniya sa kanyang Twitter acccount.

https://twitter.com/barrygutierrez3/status/1489434528167133185

Sinabi rin niya na may dalawang bagay na dapat asahan ang mga tao: "Dalawang bagay na maaasahan ninyo: 1. Anumang hirap, maghahanap kami lagi ng paraan. 2. We learn from mistakes, and we WILL do better. Salamat sa pagsubaybay, sa payo, sa suporta, at sa pag-intindi. Fighting!"

https://twitter.com/barrygutierrez3/status/1489448079741054977

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/02/04/bbm-hindi-nakadalo-sa-kbp-forum-inuna-si-korina/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/04/bbm-hindi-nakadalo-sa-kbp-forum-inuna-si-korina/