Madalas ka bang maiyak sa mga Korean drama series? Alamin ang benepisyo nito lalo na sa mga nais magsimula ng kanilang weight-loss journey.
Tinatawag na psychic tears ang mga luha na dala ng matinding emosyon ng isang tao. Sa natural na prosesong ito, ang stress hormone na cortisol ay kusang nagpa-panic dahilan para manatili ang taba sa katawan, lalo na sa tiyan. Kaya ang payo ng mga eksperto, hayaang iiyak ang matinding emosyon kung nais na magpapayat.
Ayon sa pag-aaral ng biochemist na si William Frey na inilathala sa “The New York Times” noong 1982, epektibong pantanggal ng toxic substance dala ng stress ang pag-iyak. Sa parehong logic, ang natural na proseso ng pag-iyak ay nakatutulong din sa cleansing ng katawan ng tao kabilang ang pagbabawas ng timbang.
Sa klasipikasyon ni Dr. Aaron Neufeld ng Los Altos Optometric Group, sa tatlong kategorya maaaring ihiwalay ang luha ng isang tao: basal, reflex at psychic.
Para mapataas ang cortisol level, tanging psychic tears lang ang dapat na mailabas ng isang tao o luha na dala ng matinding emosyon, hindi reflex o basal tears na kadalasang involuntary dala ng ilang environmental factor gaya ng hangin, usok o alikabok.
Sa parehong pag-aaral ni Frey, upang mas maging epektibo pang maranasan ang weight-loss benefits, inirerekomenda nitong gawin ang pag-iyak sa pagitan ng alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.