Nagbigay na ng pahayag si Energy Secretary Alfonso Cusi kaugnay ng posibleng kaharaping kaso na nag-ugat sa kuwestiyunableng transaksyon sa pagitan ng Chevron Philippines at UC Malampaya noong nakaraang taon.

“Once again, for the record, I assure everyone that I am ready to face any and all charges brought against me in the proper forum,” paliwanag ni Cusi bilang tugon sa rekomendasyon ng Senado sa Office of the Ombudsman na sampahan ng graft ang opisyal, kasama ang 10 iba pang opisyal.

“I am prepared to explain and prove that all of the actions of the Department of Energy (DOE) regarding the sale and transfer of shares of Malampaya are legal, aboveboard and in accordance with the powers and mandate of the Department,” pagdedepensa nito.

Nitong Biyernes, Pebrero 4, ipinasa ng Senate Committee on Energy ang kanilang report sa anti-graft agency kung saan inirerekomenda na ipagharap ng patung-patong na kaso si Cusi at 10 na opisyal ng DOE dahil umano sa minadaling pagbebenta ng Malampaya sa Chevron Philippines.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Kabilang din sa pinakakasuhan sina Energy Undersecretary Donato Marcos, officer-in-charge Undersecretary Roberto Uy, Assistant Secretary Leonido Pulido III, Assistant Secretary Gerardo Erguiza Jr., Director Cesar dela Fuente III, Director Arthur Tenazas, Director Araceli Soluta, OIC Assistant Director Guillermo Ansay, DOE Compliance Division chief Thelma Cerdeña, R.J.A Delos Santos, at Demujin Antiporda.