Nagbalik na kamakailan sa ASAP stage ang tinaguriang “Fearless Diva” na si Jona Viray matapos ang ilang buwang pamamahinga sa showbiz. Naging abala pala ang Kapamilya singer sa pag-develop ng animal shelter para sa kanyang higit 70 na rescued cats and dogs.

Sa isang panayam ng PEP nitong Lunes, Enero 31, idinetalye ni Jona ang kanyang mga napagkaabalahang bagay habang hindi nagtatanghal sa entablado. Nang pumutok ang pandemic, naging hands-on pala si Jona sa kanyang rescued animals.

Jona Viray /via Instagram

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Sumabay din kasi yun that time na kailangan na kailangan na namin maghanap ng permanent place for our animal rescues kasi lahat sila nasa bahay ko lang,” pagbabahagi ni Jona nang tanungin kung ano ang naging dahilan ng kanyang ilang buwang pamamahinga sa showbiz.

“Imagine having 30 something dogs at 40 something cats inside your house tapos nag-pandemic pa so 24/7 talagang kasama mo sila lahat. Syempre inaalagaan mo silang lahat 'di ba,” dagdag ng singer.

Dahil sa kanyang “major” na proyekto, hindi rin lubusang nasulit ni Jona ang kanyang break.

“Actually isang Kdrama [Korean drama] lang yung napanuod ko, yung World of the Married Couple kasi nga ang dami-dami na naming ginagawa sa loob ng bahay taking care of everything,” ani Jona.

Pagbabahagi pa ng Kapamilya, sobrang naging struggle din ang mga aso sa kanyang work from home arrangement dahil hindi maiwasang mag-ingay ng mga ito sa tuwing siyang magrerecord ng kanta.

“Sobrang desperate talaga ko to find a permanent place for them. During the pandemic, naghanap kami ng lupa somewhere sa Rizal,” sabi ni Jona

Jona Viray /via Instagram

“Right now, hindi pa naman siya hundred percent finished, pero kahit papano nasa mga 60% na. Tapos yung mga dogs, nakapag-transfer na kami siguro ng mga 16 dogs doon so dito sa Manila meron pang natitira pero on the way there na in the future,” pagdedetalye ni Jona.

Tanging “cat area” na lang daw ang tinatapos sa kanyang animal farm shelter.

“Kasi naisip ko na if hindi ko to paglalaanan ng panahon talaga baka mamaya abutin ako ng mas matagal na panahon bago matapos yung shelter. That’s why I decided, ‘Sige take a break muna ako sa work para rin maka-rejuvenate' di ba sa burnout, maka-focus sa ibang ginagawang bagay and at the same time ma-experience ko rin yung mga bagay na hindi ko usually na-e-experience nung sobrang active na active ako sa work,’” pagpapatuloy ni Jona.

Noon pa ay isa si Jona sa mga kilalang celebrity na may interes sa pagkupkop sa mga aso at pusa sa lansangan.

Nitong Linggo, Enero 23, opisyal nang napanuod muli si Jonas a ASAP. Inawit nito ang kanyang chart-topping comeback song na “Someone To Love Me.”

Basahin: Collab ni Troy Laureta at Jona, nanguna sa isang Philippine music chart – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid