Sa mga Pinoy players na naglalaro sa Japan B.League, tanging si Dwight Ramos lamang ang nagpahayag ng pagnanais na maglaro sa Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA Asia Cup qualifiers ngayong Pebrero.

Anumang oras mula ngayon, inaasahang darating sa Pilipinas si Ramos mula sa Japan at inaasahang makikibahagi sa ensayo ng PH team sa pamamagitan ng bubble setup sa Lipa, Batangas.

Inaasahang makakasama ni Ramos sa ensayo ang Talk N' Text team kung saan huhugutin ang ibang manlalaro na bubuo sa lineup ng Gilas.

Nagpaalam muna si Ramos sa kanyangkoponangToyama Grouses sa Japan B.League upang maglaro sa National team ayon kaySamahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Right now, si Dwight pa lang. There's no development on the others,” ayon kay Panlilio.

Kabilang din sa Gilas sinanaturalized player Ange Kouame, at pool members Juan Gomez de Liaño, William Navarro, Tzaddy Rangel, ar Jaydee Tungcab.

Si Chot Reyes ang itinalagang bagong coach ng Gilas.