Matapos ang pinag-usapang parody ni Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia sa election campaign video ni Angelica Panganiban, tila inungkat naman ng netizens at ‘Kakampinks’ ang dating Facebook post nito na nagpapahayag ng suporta kay Presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

May resibo ang netizens matapos ang viral parody ni Juliana sa direksyon ni Darryl Yap. Noong kasagsagan ng paghahain ng certificate of candidacy (COC), Oktubre 2021, isa si Juliana sa mga agad na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo.

“Trust the magic of new beginnings. Pink is not just a color, it’s an attitude,” saad ni Juliana sa isang buradong Facebook post Oktubre 2021 kalakip ang kanyang larawan suot ang pink na gown, kilalang political color ni Robredo,

Nakiisa rin siya sa “#LetLeniLead2022” campaign sa social media noong nakaraang taon.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Buradong Facebook post ni Juliana Segovia

Nag-ugat ang pag-usbong ng resibo ng netizens at Kakampinks matapos tila magbago umano ang ihip ng hangin sa paniniwala ni Juliana matapos ang pinag-usapang parody video na may slogan na "Ingat sa mga pa-victim."

Bago rin nito, na-ispatan din ang hayagang pagsuporta nito kay senatorial aspirant Jinggoy Estrada na hinahangad muling makapasok sa Senado sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino Party.

“May ba na nagsasabi na bawal magbago ng isip pag may napili na. Anong article? Ano ba tawag dun? “Touch move?” Teka hanapin ko ah,” banat ni Juliana sa isang netizen sa mga alegasyong nagbago nga sa kanyang posisyon sa politika.

Gayunpaman, nauna na niyang sinabing kahit siya mismo’y wala pang napipiling presidential candidate para sa May 2022 elections.

Basahin: Juliana, umalma: ‘Akala ko ba basta walang pangalan, huwag kakahol?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Burado na ang ilang Facebook posts ni Juliana kabilang ang kanyang pahayag ng pagsuporta kay Robredo at ang pasasalamat kay dating Senador Jinggoy Estrada at Darryl Yap para sa “biyaya” na tinanggap niya kamakailan.

Buradong Facebook post ni Juliana Segovia