Aabot sa₱1.4 milyong halaga ng umano'y shabu ang nahuli ng mga awtoridad sa siyam na pinaghihinalaang drug pusher sa magkakahiwalay na buy-bust operationssa Quezon City nitong Miyerkules.
Unang inaresto ng pinagsanib na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at La Loma Police Station sinaKingsley Sakilan, 31, at Rayson Gamatero, 33, sa Malaya St., Brgy. Sta. Teresita dakong 2:15 ng madaling araw.
Nasamsam sa dalawa ang100 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng₱1,360,000. kumpiskado rin sa kanila ang isangcellphone, isang motorsiklo at buy-bust money.
Siyam naman ang inaresto sa Brgy.Unang Sigaw, dakong 4:10 ng madaling araw.
Kinilala ni Talipapa Police Station commanderLt. Col. Alexander Barredo, ang mga suspek na sinaNholyJacinto, 48; John Marphy Dela Cruz, 27; Angelo Magdaraog, 20; Alvin De Vera, 32; Lionel Dela Cruz, 28; Rolando Quitua, 50; at Sandy Dela Cruz, 37.
Mahigit sa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng₱102,000 ang narekober sa kanila ng mga awtoridad.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag saRepublic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
KhriscielleYalao