Nanawagan si Speaker Lord Allan Velasco nitong Miyerkules sa 300 kasapi ng Kamara na siguruhing maging mapayapa, maayos, ligtas ang idaraos na halalan sa Mayo 9, 2022.

Hinimok ni Velasco ang kasamahang mga kongresista na samantalahin ang positibong mga biyaya ng “new normal” na dulot ng COVID-19 pandemic sa kanilang pagbabalik sa kani-kanilang mga distrito upang mangampanya sa 2022 elections.

“Let us seize this opportunity to implement meaningful change in the way we conduct our campaigns, in the way we honor the sanctity of the ballot, and in the way we are held accountable for what we achieved,” saad ng Speaker.

Aniya, para matiyak ang isang ligtas at virus-free election campaign, maaaring ipresenta ng mga mambabatas ang kanilang political platforms sa pamamagitan ng social media, "at makisali sa mga panayam at debate sa pamamagitan ng mass media."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Let us be creative in making our people informed and engaged, without resorting to mass gatherings that may trigger another virus outbreak,” ani Velasco.

Bilang isang environment advocate, hinikayat niya ang mga kandidato na: “During our campaign, I hope we can cut down on plastic or tarpaulin and paper waste. Let us prevent a mountain of trash during election day."

Bert de Guzman