Matapos ang trending na parody ni Juliana Segovia Parizcova sa wise voting campaign ni Angelica Panganiban, naglabas ng isa pang video ang VinCentiments na nagtatampok naman kay Senadora Imee Marcos, kapatid ni presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., o BBM.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/03/vincentiments-naglabas-ng-parody-sa-campaign-video-ni-angelica-panganiban/

May pamagat ang video na 'Bitter Len-Len' sa direksyon ni Darryl Yap, cinematography at editing ni Vincent L. Asis, at kinatatampukan nina Senadora Imee at Roanna Marie.

"How to battle bitter bashers? Alamin ang coffee chronicles about Len-Len and life!" saad sa caption.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Se. Imee Marcos at Roanna Marie (Larawan mula sa FB/VinCentiments)

Nagsimula ang video sa paninita ni Senadora Imee kay Roanna na huwag nang patulan ang bashers.

"Huy 'di ba sinabi ko na sa inyo, huwag nang nagpapapatol sa social media…" saad ni Senator Imee.

"Eh kasi Ma'am…"

"Ako ba nakita ninyong sumasagot diyan sa social media? Nakita mo ba ako na nakikipagpatutsadahan diyan sa mga bashers na 'yan?"

"Imagine, kung nagpapapatol ako, hay Apo… sa dami ng mga nagbabash sa amin, baka hindi ako ganito kaganda at my age!" pahayag ni Senadora Imee.

Maya-maya, uminom siya ng kape mula sa kaniyang tasa. May tinawag siyang 'Len-len'.

"Len-len! (tatlong ulit), ang pait!" saad ni Imee.

Sumagot naman si Roanne.

"Eh sumosobra na po kasi! Kung makapagsalita, akala mo ang lilinis! Akala mo ang gagaling! Dapat, sinasampolan kasi 'yan Ma'am!"

"Paano? Makikipagsabayan sa dumi ng isip ng mga 'yan? Makikipagsiraan? Mang-aasar?" sabi ni Imee sabay higop ulit ng kape. Tinawag niya ulit ng tatlong beses ang pangalang 'Len-len' at sabay sabing "Nako, ang pait ng kape mo!"

"Eh kasi Ma'am…"

"Patola ka… isa ka bang KABATITI (patola)? Ang pakikipag-usap, parang kape 'yan… Tama naman na mainit, umuusok, yung coffee beans, 'yan ang issue…"

"Ang hot water, 'yan ang brain cells mo… dapat matunaw ang substance para madama ang aroma at sustansya!"

"Yung cream o milk, 'yan ang simpleng dagdag ng mga life experiences. Konting cream of learning, adding richness to the conversation. Ngayon yung sugar, depende 'yan sa kausap. Kung bet mo magpaka-sweet, o kahit hindi mo gusto ang takbo ng usapan, tamisan mong konti. Para hindi magkasamaan," pahayag ni Imee.

Saad naman ni Roanna, "Eh iba-iba naman po ang timpla ng kape ng bawat tao…"

"Exactly! Eh bakit mo gagayahin ang timpla niya, kung hindi naman ganyan ang timpla mo? Bakit ka iinom ng kape ng may kape?" giit naman ni Imee.

"Eh paano po 'pag tinapunan na kayo ng kape? Hindi parin kayo aaray?"

"Uy! Ibang usapan na 'yun. Sobra na 'yan!" bulalas naman ni Imee.

"Oh 'di ba, Ma'am? Sa dami ng mga pinagsasasabi sa inyo, hindi pa ba kayo tinatapunan ng kape nyun?" balik-tanong ni Roanna.

"Dear, matatapunan lang ako ng kape, kapag kasama ko ang nagkakape. Hindi ako nakikipagkape sa ayaw kong kausap. Paano ako matatapunan? Paano ako maaapektuhan? Paano ako maaapektuhan sa mga tinatapon sa akin? Kung 'di ko naman pinapahalagahan, ang mga nagsasabi?" paliwanag ng senadora.

Sa pagpapatuloy, "Coffee is precious! Spend it with people who truly matter," sabay inom ng kape. "Ang kape, pampa-relax; hindi pampa-bitter. Maliwanag?"

"Yes, Ma'am," saad naman ng kausap.

"Oh siya, sabihin mo kay Len-len, ang kape ko, laging matapang. Pero never, naging bitter!" pahayag ni Imee.

"Hay, Len-len!" sabay na sabi nila. Maya-maya, umalis na ang senadora at umeksena naman si Ronna.

"Hoy Len-len! Ang bitter mo! Ang pait ng kape mo!

Umabot na sa 89K views, 8K reactions, at 982 comments ang naturang FB post.

Samantala, matatandaan na ang campaign video ni Angelica Panganiban ay nagsimula naman sa pag-inom ng kape.