May makahulugang tweet ang Kapamilya host na si Robi Domingo na dinudumog ngayon ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

Tanong niya sa kaniyang tweet ngayong Pebrero 4 ng hapon, "Anong tawag sa manliligaw na di sumisipot sa date?"

Screengrab mula sa Twitter/Robi Domingo

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Marami naman sa mga netizen ang sumagot at nagbigay ng reaksyon dito.

"Over confident na hindi siya mare-reject dahil siguro iniisip niya na patay na patay sa kaniya ang nililigawan. Sana lang matauhan sa katotohanan ang nililigawan na wala syang maaasahan at magising habang maaga pa."

"SINUNGALING, DUWAG, BUDOLERO, PAASA, KUPS! Pero ang masaklap - di ka na nga sinipot ng ilang beses sa date & gumagawa pa ng walang kwentang excuses na di makapunta- eh sinagot mo pa rin! Ending: LUHA, SAKIT, DUSA!"

"Pwede ko naman siyang tawagin na torpe pero meron talaga na kilala ko ngayon, nanliligaw pero DUWAG."

"Ghost… magnanakaw ng oras mo.. sinayang pa.. sinungaling pa sabi darating tapos hindi pala..at higit sa lahat duwag di ka man lang hinarap. Di naman siya torpe sadyang duwag lang talaga."

Samantala, marami rin sa mga netizen ang nag-akusa kay Robi na hindi lamang usaping pag-ibig ang pinatutungkulan nito. Nagkataon kasi na nitong Pebrero 3 ay napabalita ang pag-atras ni presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. sa sa gaganaping KBP presidential candidates forum sa Biyernes, Pebrero 4, 2022. Trending topics ang #MarcosDuwag at #BaBackoutMuli sa Twitter.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/03/bbm-tumangging-dumalo-sa-presidential-forum-marcosduwag-babackoutmuli-trending-sa-twitter/

"Tanga ka na lang kung pupunta ka pa sa date n'yo kung nagpasabi naman yung manliligaw mo na conflict schedule yung date n'yo, huwag TANGA."

"Parang confusing yung question mo, hindi po ba dapat is 'Anong tawag sa mga babaeng kahit nililigawan pa lang eh pumapayag nang makipag-date? Unless yung issue mo is yung kay BBM… he has the choice not to attend the interview because for sure gagawing siyang sizzling sisig doon."

"'Yan yung gusto mag-presidente pero ayaw magpatanong. Wala raw kayo paki basta magpe-presidente siya dahil 'malupit' daw ang surname n'ya!"

"Agreed ba ng both parties yung date/petsa/oras? If yes, bastedin mo na. Kung no, choice n'ya 'yun, lakampake."

"Magaling mag-Indian ng date… Kaya next time mag-isip-isip na baka madami ka effort na naibigay di naman pala ulit tuloy… Real experience 'to kayo na bahala if iko-context n'yo sa political views."

Samantala, wala pang pagkaklaro tungkol dito ang host.