Muling tiniyak ng isang obispo ng Simbahang Katolika na mananatiling non-partisan ang Simbahang Katolika at hindi mag-eendorso ng pulitiko sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., bagama’t walang batas na pumipigil sa mga pari na makialam sa pulitika, isinasaad naman sa batas ng simbahan na hindi maaaring kumandidato o mag-endorso ang mga pari o obispo.

Paglilinaw pa ng obispo, kung hindi maaaring mag-endorso, maaari namang ikampanya ng simbahan ang mga pulitiko na huwag ihalal ng publiko kung malinaw na isinusulong ang polisiya na labag sa paninindigan ng simbahan at magdudulot ng panganib sa mamamayan.

“Under normal circumstances hindi ka dapat tumukoy ng pangalan, pero kung merong isang tao na talagang makasasama sa bayan, talagang pwede ka namang lumaban na hayagan dun sa taong malinaw na makasasama sa bayan,” ayon kay Bacani.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay na rin sa One Godly Vote campaign ng Radyo Veritas -isang voters education campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila na nagbibigay ng gabay sa mga botante sa tamang pagpili ng ihahalal na pinuno ng bansa.

Matatandaang taong 2013 nang hayagang tutulan ng simbahan ang ilang kandidato na bumoto pabor sa Reproductive Health Law -na tinututulan ng simbahan dahil sa mga nakapaloob na probisyon na laban sa kasagraduhan ng buhay kabilang na ang paggamit ng ‘artificial contraceptives,'

Ang Team Patay vs Team Buhay campaign tarpaulin ay matatagpuan sa iba’t ibang parokya at institusyon ng simbahan. 

Mary Ann Santiago