Hinikayat ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos ang mga botanteng Pinoy na gawing huwaran ang pagkatao ni San Jose sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa sa darating na halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Santos, magandang halimbawa si San Jose sa mga tunay na lingkod na buong katapatang sumunod sa kalooban ng Panginoon.

“Let us choose a leader who, like St. Joseph, has a servant heart, who is submissive to God,” bahagi ng pahayag ng obispo sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Sinabi ni Santos na inuuna ni San Jose ang ninanais ng Panginoon sa halip na sundin ang kanyang mga sariling plano at interes sa buhay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, tulad ng paghalal ng mga pinuno ng bayan dapat ding piliin ang kakayahan ng kandidato na magtataguyod sa kabutihan ng nakararami at handang sumunod sa kalooban ng Panginoon.

“We must choose someone who will accomplish something for us. Someone who will work with us and for us. Someone who will always do God's will first, keeping the law of God above all. Not his personal interests nor favors for his relatives. Not to indulge with or reward his political party mates,” pahayag pa ng obispo.

Iginiit ng opisyal ng CBCP na ang tunay na lider ay handang maglingkod sa Panginoon at ibinabatay ang pagmamahal sa bayan at mga gawa na kalugod-lugod sa Diyos.

Bukod pa rito, ang lider ay dapat na handang itaguyod at pangalagaan ang pamilya kabilang na ang pagsusulong sa kabanalan ng sakramento ng pag-iisang dibdib.

Gayundin ang pagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa lalo na sa mahihirap na sektor ng lipunan.

“Let us choose someone who will work for our good, for the improvement of our welfare, and for the fulfillment of God's law,” giit ni Santos.

Ngayong Pebrero, inaasahang ilalabas ng CBCP ang pastoral statement na gagabay sa 67-milyong botante sa wastong pagpili ng mga karapat-dapat na lider ng bansa na mangangasiwa sa susunod na anim na taon.

Mary Ann Santiago