Simula Pebrero 1 ay hindi pa rin mawala-wala sa trending list ng Twitter ang pangalan ni Kapamilya actress Angelica Panganiban dahil sa lumabas na wise voting campaign ng 'Young Public Servants' sa darating na halalan 2022, na iniugnay sa mga 'love hugot' ni Angge.

"Ilang beses na tayong nasaktan, beh. Dapang-dapa. Wasak na wasak. 'Wag na tayong magpapabudol! Iwasan na natin ang mga manloloko," saad sa caption.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/

Nagsimula ang video na ipinakita ang nakaupong si Angelica habang umiinom ng inumin mula sa kaniyang puting tasa.

Relasyon at Hiwalayan

Mariel 'best thing that ever happened to Robin,' sey ni BB Gandanghari

"Hmm! Naloko ka na ba ng pagmamahal sa maling tao? Yung akala mo, gold medalist ka na, tapos, fake news pala? Hmmm… naku, naku, naku… don't me! Alam ko 'yan. Marami akong entries. Alam n'yo naman 'di ba?" panimulang pahayag ni Angge. Wala naman siyang pinatungkulan o binanggit na pangalan ng kaniyang mga naging karelasyon.

Sa pagpapatuloy, "Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses din akong nasaktan. Lagapak, beh. Dapang-dapa. Ninakawan ako ng pag-asa, at pangarap. Huy! Sus! Para kang nag-swimming sa kalsada, alam mo 'yun? Wasak na wasak ang puso ni Nasty Mac. Minahal ko eh. Pinagtanggol ko pa nga sa mga friends ko. Pero… wala! Nganga! Mambubudol pala."

"Ang sakit umasa ha? Nakakapagod ding maging tanga. Sa ganda kong 'to? Hindi ko deserve. Hindi mo rin deserve. It's not worth it. I've learned my lesson. Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko."

At dito na pumasok ang kampanya para sa matalinong pagboto para sa darating na halalan 2022.

"Kaya yung eleksyon sa May 2022, ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga manliligaw. Halughugin ang bio data mula High School hanggang College. Alamin at tingnan ang character references."

"'Wag magpapabudol at 'wag sa magnanakaw!"

Wise voting campaign ni Angelica na idinaan sa ‘love hugot’, umani ng iba’t ibang reaksyon
Angelica Panganiban (Larawan mula sa Balita Online)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. Ayon sa kanila, mukhang may pinatatamaan daw na presidential candidate, bagama't wala namang binanggit na mga pangalan. Marami rin ang tumutuligsa kay Angelica; kinukwestyon ang kredibilidad ng aktres para magpaalala sa publiko ng tamang pagboto.

Narito ang ilan sa mga depensa ng netizen:

"Walang binanggit na pangalan 'yan huh. Mamaya may umiyak na naman."

"Hindi natin deserve ang magnanakaw, mga kapwa Pilipino."

"Paano hahalughugin mula high school hanggang college eh wala ngang diploma?"

"Wala naman binanggit na pangalan pero may mga naiyak na. Sapul yarn?"

"Trolls coming to Angelica Panganiban when no name was mentioned, pls get some brains…"

"Angelica Panganiban didn't even mention a name. Why are the supporters of a certain candidate getting offended by this? So you were aware that your 'President' is a manloloko and a magnanakaw?"

"Why are some people attacking Angelica Panganiban, because she reminds voters to articulate candidates' political history? Anong masama doon? She didn't even name names. Wag defensive."

Samantala, wala pa namang reaksyon dito si Angge.