Usap-usapan ngayon ang bali-balitang bibida umano ang isa sa mga sikat na tambalan ng Kapamilya Network na sina Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen) sa Philippine adaptation ng hit Korean series na 'It's Okay To Not Be Okay'.

Dahil patok na patok ngayon sa kulturang popular ng Pilipinas ang panonood ng hit Korean dramas, tila nauuso na nga ang Pinoy adaptation ng mga seryeng ito. Ang 'It's Okay To Not Be Okay' ay pinagbibidahan nina Kim Soo-hyun, Seo Yea-ji, Oh Jung-se at Park Gyu-young.

"The 2020 Psychological Romance Drama was supposed to air on Kapamilya Channel but due to the exclusivity of the airing rights on Netflix, ABS-CBN bought the adaptation rights instead," saad sa Facebook page na 'Kapamilya Asian Dramas'.

Ang huling teleserye na pinagbidahan nina Liza at Enrique ay 'Make It With You' noong 2020, ngunit hindi na naituloy hanggang katapusan, dahil sa pandemya at kasagsagan ng isyu sa prangkisa ng ABS-CBN.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Noong ABS-CBN Christmas Special 2021, hindi nakadalo sina Liza at Enrique rito dahil may family emergency si Liza.

Sa kasalukuyan, umeere na ang 'The Broken Marriage Vow' na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Zaijan Jaranilla, na Pinoy adaptation naman ng 'Doctor Foster', na may Korean version na 'The World of the Married'.

Nagsisimula na rin ang taping nina Piolo Pascual at bagong Kapamilyang si Lovi Poe para naman sa 'Flower of Evil' na isa ring Korean series.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag o kumpirmasyon dito ang Star Magic o ang ABS-CBN.