Nagbabalik sa Twitter ang social media personality na si Jam Magno matapos masuspinde ang kanyang Twitter account noong nakaraang linggo.
Sa kanyang Facebook post, tila may patutsada ito sa isang TV network.
"Dear ABS-CBN News, I am back on Twitter please announce," ani Magno nitong Miyerkules, Pebrero 2.
"But knowing you, I will just truth the more reliable network to beat you to this bit of news," dagdag pa niya.
Sa isang deleted Facebook post noong Enero 24, ibinahagi ni Magno na "permanently suspended" ang kanyang Twitter account.
“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN?” bungad ni Magno sa isang Facebook post.
“Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am soooooo confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?,” sunod-sunod na tanong ni Magno.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/25/account-ni-jam-magno-dinispatsa-rin-ng-twitter/
Matatandaan na naiulat ang pagdidispatsa ng Twitter sa mahigit 300 accounts na nagpo-promote umano sa kandidatura ni dating Senador Bongbong Marcos dahil sa umano'y patong-patong na paglabag sa ilang patakaran ng social media giant.
Si Magno ay kilalang supporter at tagapagtanggol ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Suportado rin niya angang tandem nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Dutertepara sa dalawang pinakamataas na opisina ng pamahalaan.