May palaisipang sagot ang Kapuso actor na si Derek Ramsay, mister ni Ellen Adarna, kung kailan na ba siya ulit mapapanood sa isang proyekto sa GMA Network.

Matatandaang matagal-tagal na ring hindi aktibo sa telebisyon si Ramsay simula noong 2021, hanggang sa ikasal na nga sila ni Ellen noong Nobyembre.

"I miss you Sir Derek Ramsay. Sana magkaproject ka na uli sa GMA. Deadma ka na lang sa mga negatrolls," sabi ng isang tagahangang netizen sa hunk actor, na kamakailan lamang ay hinamon sa social media na magpa-'talong reveal'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/30/hirit-ng-netizens-kina-ellen-derek-talong-reveal-naman/

Tsika at Intriga

Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?

Simpleng sagot ng aktor, "Retired."

Derek Ramsay (Larawan mula sa IG)

Derek Ramsay (Larawan mula sa IG)

Hindi naman ipinaliwanag ni Derek kung magreretiro na ba talaga siya sa showbiz o pansamantala lamang ito.

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Derek on his own has more money and his parents are pretty comfortable. With Ellen it's the clan - parents, siblings and cousins - she doesn't have much on her own either."

"Ang alam ko supplier sila ng mga security locks na hindi ordinary. Clients nila mga big companies and mansions na need ng security locks na hindi basta basta. Aside from that daming businesses kaya he can afford to retire. I think parehas lang sila ni Ellen na sobrang yaman."

"I wonder gaano kayaman si Derek, I'm really curious kasi ang dami nila lagi sa bahay. Ang laki rin siguro ng electricity bill nila. He must be really loaded kahit di na mag-active sa showbiz."

Samantala, wala pang kumpirmasyon ulit kay Derek kung trulalu ba ang chikang ito.