Hindi naging maganda sa paningin ng netizens ang "logic" ni Sorsogon gov. at senatorial hopeful na si Chiz Escudero sa disqualification case ni presidential aspirant Bongbong Marcos.

Sa tweet ni Escudero noong Pebrero 2, sinabi nitong mas maganda na ang 64 million registered voters ang magpasya kung sino ang magiging presidente ng bansa kaysa sa 22 tao mula sa Commission on Elections (Comelec) at Korte Suprema.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

https://twitter.com/SayChiz/status/1488896959129686019

Aniya, "[I] am not that familiar with BBM’s DQ case but, as a matter of principle, I would rather that the 64M registered Filipino voters decide on who our next President will be than merely 7 COMELEC Commissioners or, if appealed, 15 justices of the SC…"

"…a total of 22 vs 64M people."

Para naman sa netizens, mali ang logic ni Escudero. Kailangan umano na maging familiar ni Escudero sa kaso upang makapag-labas ito ng kanyang "informed opinion."

Reply ng isang netizen, "No. Familiarize yourself with the disqualification case to make an informed opinion. Why let someone who might not even be qualified to run have a chance to be the highest elected official of the land? If you are a lawmaker, abide by the law and trust the justice system."

Dagdag pa ng isang netizen, malaki ang ginagampanan ng Comelec sa legalidad ng electoral procedures.

Ani ng isang netizen, trabaho ng commissioners ang pag-assess sa qualifications ng mga kakandidato.

Marami rin ang dismayado sa sinabi ni Escudero, ang ilan ay nagpahayag ng kanilang pagbawi sa pagboto sa tatakbong senador.

As of writing, wala pang pahayag si Escudero sa mga natanggap na kritisismo mula sa netizens.